Thursday, August 21, 2008

i Mean it

Mga tanong na ayaw ko sana itanong pero itatanong pa rin.

1. Bakit kaya karamihan sa mga mahilig mag-PDA ay mga hindi naman nabiyayaan ng magagandang mukha. Ampanget tuloy tingnan.

2. Bakit kaya kung sino pa yung hirap kumita para may makain, sila pa yung madaming anak?

3. Bakit kaya kahit weekdays, punong-puno pa rin mga malls? Lahat kaya sila naka-leave? day-off? night shifters? o madami lang talaga jobless sa Pilipinas?

4. Andami atang may laptop na walang internet connection sa bahay? Makikita mo sila sa Starbucks, Burger King, basta may wifi.

This post was inspired by a couple smooching and canoodling in front of me while I was having lunch in a fastfood today.

29 comments:

prinsesa000 said...

natawa ako sa 1st question mo. hayaan mo na sila... ikaw naman.. walang pakialamanan.. hehe

naku! ung 2nd question mo naitanong ko na rin yan sa sarili ko dati.. di ko rin talaga maintindihan bakit kung sino pa ung mga walang maiisuporta sa e sila pa ung maraming anak. kasi cguro since wala silang ibang magawa un na lang ung pinagkakaabalahan nila. ang gumawa ng gumawa ng baby..

sa 3rd question mo naman.. mainit kasi sa bahay at least sa malls malakas ang aircon!

Anonymous said...

hahaha...
tama ka dun, kanya kanya naman yan e, pero ako kasi yaw ko sa public nag gaganun. di lang siguro tayo napalaki ng malakas ang loob. hehehe.

nung isang araw kasi no classes. kaya siguro madaming tao sa mall. pero mapapansin mo mga shops hindi naman pinapasukan ng tao kahit sobrang kapal na sa labas. hehehe

Chyng said...

hi Ely! im here! but im not really back! dumaalaw lang..

sbe nga ni Tentay: cheap na libangan ang Sex, pangmahirap. kasi it's free. Kaya kung cno pa ang mahirap, sila pa ang madameng junakis!

Kape Kanlaon\ said...

Eh kasi sa callcenter hindi lahat ng day off ay sat-sun...heheh
3. Bakit kaya kahit weekdays, punong-puno pa rin mga malls? Lahat kaya sila naka-leave? day-off? night shifters? o madami lang talaga jobless sa Pilipinas?

Anonymous said...

Ano to? Miss Universe question? Eto sagot ko! Gusto ko manalo eh! Pagod na ako as MIss Congenital:


1. Bakit kaya karamihan sa mga mahilig mag-PDA ... = They're suffering from serious attention deficit syndrome.

2. Bakit kaya kung sino pa yung hirap kumita para may makain, sila pa yung madaming anak? = Tinotoo ang sinabi nang simbahan na go ang multiply.

3. Bakit kaya kahit weekdays, punong-puno pa rin mga malls? Lahat kaya sila naka-leave? day-off? night shifters? o madami lang talaga jobless sa Pilipinas? = Mahal ang koryente. Can't apord nang aircon. Hehehe!

4. Andami atang may laptop na walang internet connection sa bahay? Makikita mo sila sa Starbucks, Burger King, basta may wifi. - Mga CONIO. HAHAHA! Ang get this, unahan sa upuan na malapit sa sidewok para sight sila nang mga naglalakad sa labas. hehehe

Anonymous said...

ROFLOL at No.1!!! Haha...

Nairita ka siguro sa couple na yun. haha...kahit sino naman eh. Hahaha...

"Ampanget tuloy tingnan." LMAO!!

aajao said...

on your item #1, i have exactly the same thoughts (at parang same view pa tayo) some seven years ago... check my wireless journal (mobile) post items # 15 & 16: http://www.pinoyexchange.com/forums/showthread.php?t=70633

aajao said...

ay eto link para mas madali: http://www.pinoyexchange.com/forums/showthread.php?t=70633

Frankie Calcana said...

Very curious. Eto sagot.

1) Para malaman ng ibang tao na may nagmamahal din sa kanila kahit ganun sila kapangit.

2) Hay. Hobby nila mag-anak. Para kahit paano, mayaman sila sa anak.

3) Malamig kasi sa malls. Kesa naman tumambay lang sila sa bahay di ba?

4) Para malaman ng mundo na afford nila magkape sa Starbs at rich sila kasi may laptop sila.

[chocoley] said...

Haha, natawa din ako :)

And I agree wit reyna elena. Yan ang mga nakakalokong tanong ever!

Anonymous said...

hahaha... eto pa isa.. bakit kaya vertical ung mga rehas sa kulungan? bakit di gawing horizontal para kakaiba naman. wala lang. for a change. hahahaa.

lucas said...

"so many questions but the answers are so few..." -- Side A.

yung sa number 1, uhmm, siguro they just don't care. siguro tingin nila maganda o gwapo sila..it's just a matter of having a different perspective and strong sense of self. haa!

no 2: kasi sabi ng teacher ko dati, dahil wala silang work, lagi silang bored...unlike pag mayaman, busy lagi to make monehy..hee!

no. 3: dumadami na ang mga population ng mga matatandang walang trabaho.

no 4: naghtitipid lang siguro

ayan ang tingin ko..haaa!

---

i think the Death Gods in death note are really cool! galing...galing ng story...

Boying Opaw said...

hmmm. points to ponder...

Ely said...

prinsesa, wala sanang pakialamanan pero wala sila sa lugar eh.

totoo nga siguro wala sila magawa kaya un na lng libangan nila, pero may free contraceptives naman sa mga health centers, di ba?


ced, kahit may klase dami pa rin tao. hehe.


chyng, musta na?
free sex nga, eh madami naman free condoms para sana di sila maparami! hehe


lance, LOL, so tga callcenters lahat un?

Ely said...

reyna elena, panalo ang sagot! hehe, iyong-iyo ang korona pero kasama pa rin Miss Congenital. hehehe.

reyn, nairita nga ako. nagshow sa harap ko eh mga ndi naman pang-show ang mukha. LOL

aajao, i think both the links are complete, di ko ma-open.

Keitaro Hanazawa, panalo din sagot. hehe. thanks for visiting my blog!

dazedblu, hehe. sabi ko nga.

ka bute, honga no. di ko naisip un ah.

roneiluke, ganda rin ng sagot. hehe, thanks for dropping by always.

boying, indeed...

Nanaybelen said...

2nd-bakit yung pang mayaman, sila pa ang may maraming anak. kasi wala silang magawa lalo na yung mga mahihirap na nakatira sa may riles ng treen, ay sobra ang population eplosion doon kasi madalas sa gabi dumadaan ang treen at everytime na may dumaan ay nagigising sila sabay gawa ng bata

3rd- pasyalan kung naiinip sa bahay, dinadayong bilihan ng mga naniniwala sa mga - " bouGht from SM, RUSTAN- ROBINSON- o ano pang mall nayan basta doon sya nagpunta at doon sya bumili

nakalaptop sa labas?- feeling businessman siguro.

Rio said...

1. Bakit kaya karamihan sa mga mahilig mag-PDA ay mga hindi naman nabiyayaan ng magagandang mukha.

>>siguro ito ang paraan pala mapansin sila...hehehe

2. Bakit kaya kung sino pa yung hirap kumita para may makain, sila pa yung madaming anak?

>> para may bumuhay sa kanilang mag asawa...

3. Bakit kaya kahit weekdays, punong-puno pa rin mga malls? Lahat kaya sila naka-leave? day-off? night shifters? o madami lang talaga jobless sa Pilipinas?

>> nagpapalamig ng ulo?? hehe..
>> madaming pang shopping?


4. Andami atang may laptop na walang internet connection sa bahay? Makikita mo sila sa Starbucks, Burger King, basta may wifi.

>>ayaw gumawa ng gawaing bahay...
>> ayaw paistorbo...hehehe

Anonymous said...

Ampotek "mga hindi naman pang-show ang mukha" hahaha....

Ayus sa banat! Haha keep it up!! ^_^

Dakilang Islander said...

hahahah parang sinabi mo na rin na walang karapatang mag PDA ang mga pangit! hehehhh

KRIS JASPER said...

natawa ako dun sa PDA opinion mo.

kasi nag agree ako. lol.

_ice_ said...

i agree..

advice ko lng sa mga tao na mahilig mag mall..

1. PDA sila kasi ndi lakas ng loob nila, akala nila maiingit yong mga tao na nakatingin sa kanila di nila alam nakakasuka.. ooppss sori..

2. Yong mahilig manganak, bakit di nalang sila gumawa ng sariling company nila "The Babymaker Inc." at least dun magkakapera pa sila..

3. Sa maall? bakit kaya di nalang sila mag apply ng sales lady/man para araw araw sila sa mall di ba?

4. wala lang feeling rich sila.. just to let everyone knows, Hey i have a laptop..

Panawagan ko lang sa starbuck gumawa na rin sila ng public school at library for sure patok yan daming nag aaral dun eh..

tol link mo naman ako, i started to update na rin my blog na miss ko na rin mejo bigyan ko ng bagong twist kahi puro bigo nalng ma naisulat ko..

tnx

Ely said...

nanaybelen, yun nga po sabi nila. walang ibang libangan? hehe. At may kakaibang effect pa pala ang pagdaan ng tren.

rio, yun nga siguro purpose nila, manganak para may bumuhay sa kanila. binabaliktad ang responsibility.

reyn, tama naman di ba? LOL

dakilang islander, parang kadalasan kasi sila mahilig mag-PDA. papansin...

kris jasper, hehe. agree tayo lahat.

ice, library sa Starbucks? hehe. Nakakapag-aral kaya talaga dun?
Na-add na po kita. :) anjan sa side bar>>

onatdonuts said...

hahaha

PDA ang paraan upang maialpas ang nagbabagang damdamin o libog sa di tamang lugar. Kailangan nilang matutong magpigil, kadalasan babae ang mas mahusay dito...pare-parehas ang kanilang linya. " Ano ba, (sabay ayos ng buhok) mamaya na yan...wag dito, andaming tao oh." hahha

2. Kapag mahirap ang buhay, at walang trabaho...kadalsan walang magawa, walang mapaglibangan...tapos malungkot pa dahil walang pera kaya para maiba naman at maging masaya, ayun! pagniniig ang naging hobby nila...kaya ayun ang resulta lalong paghihirap at population explotion...wawa naman ang mga bata..

3. Masaya kasi mag-mall...lalo na kapag walang magawa, at walang trabaho..hahaha

4. siempre iba na ang feeling ng pakikipagsosyalan...nasa starbucks na de laptop pa? san kapa?! hahaha magagaling din silang magbasa ng isip ng tao..."yes, tumingin yung katabi namin...iba na talaga ang de-laptop" hahahaha

dak/james said...

Ahahaha... Ahm, hindi naman ata ako pangit. hehehe... Or sige kung pangit man ako, e importante ang PDA sa akin dahil toxic ang buhay ko at lahat ng kailangan kong impormasyon ay nandoon. I mean, mas magandang tanong jan e bakit may mga naka-PDA na mukha namang hindi kailangan ng PDA. May mga tambay lang naman at jobless na naka-PDA dba? hahaha...

Siguro yung madaming anak, more of lack of awareness and education. Poverty.

Yung mall question hindi ko masagot kasi kahit weekends bihira ako sa mall.

I think mas ok ata na naka-laptop kang pupunta ng BK and starbucks kaysa dala mo ang buong desktop e? Hahaha...

Pero eto, mahirap daw mga tao at buhay sa Pilipinas pero bakit madaming naka-PDA, cellphones, anak, nasa-mall at naka laptop?

Hindi ba parang lifestyle ng mga may pera ang ganito?

dak/james said...

owell, after reading other people's comment, narealize ko na PDA is public display of affection and not the personal digital assitant. ahahaha... owell... hmmm... hindi ko kasi masyado pansin mga PDA na tao... pero may point, bakit nga ba?

Dudong said...

wahahaha...well it made me asked my self...bakit nga ba...sagot ko?...ewan ko....

Jez said...

ur question, and my answer
1. - kung dun sila masaya. bahala sila sa buhay nila. kainis nga lang tlga.

2. - tinanong ko na yan sa isang nanay na maraming anak, at ang sinagot sa akin ay "ito na nga lang ang masasabi naming amin, ipagkakait pa" whhattttt?

3. - ung 1 amerikano, tinanong yan. nakalimutan kona sinagot ko. basta, ang extra curricular activity kasi ng pinoy is malling. huh!

4.-yabang lang un. sus. may ginagawa kuno sila.

Jhamy whoops! said...

1. Bakit kaya karamihan sa mga mahilig mag-PDA ay mga hindi naman nabiyayaan ng magagandang mukha. Ampanget tuloy tingnan

hahahhahahaa!! naman!! keber na siguro sknla un.. kapal muks nga ee.. hehehe!!
:)

padaannn!!

duke said...

or..baka wala silang kape sa bahay kaya sila nasa kapehan.

yung mga panget...kelangan nila ng affirmation na kahit papano eh may naiingit sa kanila at meron silang kaPDA. di nila namamalayan na nakakasuka sa totoong buhay. pero hayaan mo na sila. dyan sila masaya.

mentalidad nila na pag mas madaming anak, mas malaking chance to have at least one succeed. the more entries you send, the more chances of winning!!