Ano ang 4Ps?
Pantawid (Gutom) Pamilyang Pilipino Program (4Ps)
"4Ps is a poverty reduction strategy that provides grants to extremely poor households to improve their health, nutrition and education particularly of children aged 0-14.
It is patterned after the successfull Conditional Cash Transfer (CCT) Programs in Latin America and Africa. CCT has been cited as one of the key factors behind the positive socio-economic outcomes achieved by Brazil where 11 million families are currently enrolled in the program, and other countries." -source-
Ilan ang nakukuha ng bawat pamilya?
Php500.00 per month.
Kung may anak ka na 7-14 years old, may additional Php300.00. Dapat ang anak nag-aaral, else, walang dagdag. Kung anak mo lima, below 14 years old lahat at pumapasok sa eskwela, meron kang dagdag na 300 - tayms payb!
Paano nasala ang mga benificiaries?
Step 1 - nilista lahat ng bayan na nasa 20 poorest provinces sa bansa.
Step 2 - pinili ang mga poorest towns na matatagpuan sa mga poorest provinces na yan.
Step 3 - lahat ng mga mahihirap na pamilya na galing sa mga poorest towns na kabilang sa poorest provinces na to, qualified!
Step 4 - selection process, computer na daw ang bahala?!?
Computerizes selection of the poorest households based on a ranking system using Proxy-Means test. It assesses socio-economic characteristics such as: ownership of assests/appliances; type of housing unit; level of educational attainment of household heads; and access to water and sanitation facilities. -source-
Kung nababasa mo ito, sigurado ako hindi kabilang ang baryo nyo sa mga 20 poorest provinces na yan! Hehehe.
Sadly, ang bayan namin, nangunguna. Nangunguna sa kahirapan sa buong Chavit territory. We are poor, as in the poorest poor based on (most of) the socio-economic characteristics mentioned above.
Gayunpaman, masaya na din ako. At least may natatanggap ang mga kabaryo ko buwan-buwan di ba? Pambili din yan ng asukal, kape, tinapay. Pero definitely hindi pantawid gutom. Kasi naniniwala ako na walang nagugutom sa amin, dahil lahat ng pamilya ay nakakakain ng tatlong beses sa isang araw. Amf!
***
2 comments:
anyway...maraming balitang kumakalat na ang programang ito ay programa ng 666....yan ang kumakalat na tsismis and my mom was a member on this program pero tumigil na sya kasi maraming balita na 666 ito....parang naniniwala ako kasi computer ang bahala diba?? kawawa naman ang mga taong miyembro ng programang ito...but im still hoping na di sila magiging biktma sa huli..God bless
Hmmm, I'm not sure kung bakit nasama ang 666 dito. Hehe. I think this program started in Brazil and effective DAW naman dun kaya ginaya dito sa Pilipinas.
The recipients are from the really poor areas in the country and the fact that you have an internet access, I don't think your mom was indeed a recipient too. :)
Post a Comment