Monday, July 27, 2009

Pinikpikan

Hindi ako nanood ng SONA. Sinasaniban kasi ako pag nakikita ko ang pagmumukha ng presidente.


Sana naging manok na lang siya.



Gagawin ko siyang pinikpikan!

Hahawakan sa paa.

Papaluin sa pakpak.

Gigilitan sa leeg (morbid, wag na po ask ng picture)

Kunan ng dugo.

Susunugin.

Walang matitirang balahibo.

Huhugasan.

At chop-chopin.


Joke lang po. (In fact, ang pamangkin kong nasa ibang bansa, naawa sa manok. Sorry sa iba na hindi rin sanay.)

In a serious note, sagrado po ang pinikpikan sa mga kababayan naten sa Cordillera, na namana na din ng mga ibang Ilokano. May cultural value. It started as a tradition, na naging regular practice na pag nagkakatay ng manok. Kasi mabango, masarap! Madami siguro kokontra, pero, naisip mo na din ba kung pano kinatay ang manok na ihinahain sayo sa mga mamahaling restaurant?

Anyway, naging tradition na rin namin ng tatay ko to. Basta uuwi ako, meron nyan. And by the way, native chicken po to. Purong bigas at mais ang mga pinakain at walang halong chemicals. It would take months para lumaki hangang pwede ng katayin. (Ewan ko lang kung may gumagawa nito sa mga manok na pinakain lang ng feeds at nagkalaman na after 45 days?)

I've been doing this for as long as I could remember, with my father. Ako lagi taga-hawak sa manok. hehe. He'd always show me how to do it properly, may tamang procedure, but 20 years later hindi ko pa rin talaga natututunan.

And the result...

Purong-purong manok. Natural lang. Hindi kailangan nang mga cubes cubes para magkalasa.

Lutong bahay - priceless!

17 comments:

The Scud said...

tinanggal mo ba ang fake breasts? lol.

Anonymous said...

yes naman, all-natural na manok. mukhang masarap a. :)

Ely said...

The Scud, fake breast?

moonsparks, sobra! hehe. walang kapantay.

aajao said...

*gasp* murder! :O

escape said...

that's the chicken's journey to martyrdom. hehehe... havent tried eating pinkpikan yet.

RJ said...

First time akong nakatikim ng 'pinikpikan' nu'ng nasa Queensland ako (May 2007) dahil may dalawa akong housemates na galing sa Cordillera. Commercial laying chicken ang ginamit nila (galing sa farm na pinagtatrabahuan namin), masarap! May kakaibang aroma siya, sigurado dahil sa apoy at usok during the procedure. Hinaluan nila ng silver beet, ayos naman dahil may gulay.

...gamit ang broilers, 'di ko pa nasubukan. Pero sa tingin ko mas masarap pa rin kapag native chicken ang gagamitin.

wanderingcommuter said...

i lived in baguio for more than four years at odox and pinikpikan ang mga pagkaing iniiwasan ko, but when i had my field work, i was forced to eat it just to realize na masarap pala!

but still hindi ako kakain ng odox. hehehe

Ely said...

aajao, the donG, "killing me softly" nga daw. try mo, masarap! hehe

RJ, sa ibang bansa mo pa talaga natikman un? hehe. iba talaga amoy pag native chicken, kc lumaki ng natural ang laman.

wanderingcommuter, hehe. may friend din ako ayaw tikman until now pero gusto ng odox. ako din ndi pa nakakatikim ng odox...

Chyng said...

eto ba yung superlambot na manok? hhmm looks very yummy!

Abaniko said...

That's animal cruelty! Hehe. Amputi ng manok ah. Manok ba yan ni San Perdro? :D

Ely said...

Chyng, hmmm...actually hindi. Pag native, medyo matigas karne kaya kailangan mas matagal lutuin compared sa broiler.

Abaniko, hehe, ganun lang talaga kulay, mestiso!

Ronnie said...

sapsapuriket naman next time.

lucas said...

wow...mukhang masarap yang pinikpikang manok na yan ah? hehe!

medyo nabigla ako sa change ng topic. SONA tapos biglang naging native recipe. :P

so gustong mong kainin si Gloria??? hahaha!

Ely said...

iRonnie, sapsapuriket? ndi ko ata lam un ah.

lucas, hindi! gusto ko siya katayin! hehehe

Ronnie said...

nakain ko kasi yun sa candon. dinuguang manok. sarap!

Ely said...

dinuguang manok? di ko pa natry..

Anonymous said...

Ang hard..