Team building na naman. Sa kasawiang palad, napilit nila akong sumama. Ano pa nga ba magagawa ko? Mahirap matawag na walang pakisama di ba?
Nagulat lang ako sa nakita ko sa mga nagdaang team building na sinamahan ko. Iba kasi idea ko sa team building dati, yun ung may kung anu-anong activities, kung minsan may konting dramahan, may katahimikan, ung mag-iisip pa konti, parang counselling. In short, boring.
Ngayun, gather lang kayo sa isang lugar, maingay, may alak, mag-iinoman, lalamon, magkakalasingan, may extra curricular activities minsan, tas wasted kinabukasan; team building na yun.
Ayoko sila pareho. Mas napapagod at na-iistress lang ako.
Hindi ko kailangan ng team building para maging team player.
Sayang ang pera at oras. Yung pang-gastos, sana pinadala ko na lang para pambili ng gamot ng nanay ko. Sana pahinga ko na lang yung free time ko, matulog maghapon, para fresh sa work kinabukasan. Have fun? Madali lang yan, andyan naman mga tunay kung kaibigan na pwede ko yayain anytime, at walang plastikan, just plain fun.
Basta ayoko lang talaga ng team building!
13 comments:
haha. yan ang namimiss ko. team building. walang ganyan sa bagong team ko. kanya-kanya. :(
ay ayoko rin ng team building, parang ang OA! minsan umatend ako ng teambuilding sa bataan kasama buong office, hayun sa sobrang aya ko nagkasakit ako (thru will) bago nagsimula yung mga activities.. tapos nung kainan na saka beach time. ok na ko! hehehe
i hate brainstorming! conferencing, pede naman mag team building ng walang team building ehehe. ano daw,, ang gulo..
if i work at a call center, i won't ask anyone through a presidential decree to come with me and have one team building conference or seminar or meeting or any of that chorva.
i had so many of these team building training and all they do is talk, play games and when you go back to work, it's all the same and you're right its a waste of time and money.
this is an old school. believe pa rin ang mga companies that they can in fact create team building by doing this. it doesnt work no more. nong panahon nang hapon oo. not now.
what needs to be done is assess the hiring and the training. andun yon sa personality nang mga na-hire dahil if they are not team player, kahit na isalpak mo sa bunganga nila ang pill na team building, it's not going to work.
what the company needs to do is work more on leadership training at hindi team building.
so - who wants to be my staff sa call center?! hahahaha!
The Scud, punta ka sa amin, lagi lagi may team building. :)
chico, wala actually kami brainstorming. Inuman, at inuman lang talaga.
reyna elena, may presidential decree pa talaga? hehe. Old school talaga, kaya sa mga call centers, team building means tagay! Babaha ng alak! Ayaw mo nun? hehehe.
Ako ayoko. Hindi naman kc ako mana sa tatay ko na lasinggero tas ayoko yung sakit ng ulo later, buti sana kung papayagan ako mag sick leave kc sick naman talaga ako dahil sa puyat at pagod.
company team buildings are a big hassle for me. pakiramdam ko ninanakawan lang nila ako ng oras from doing the things na gusto kong gawin.
ronnie, agree! we share the same sentiments...
haha nice! di ko kelangan ng team bldg para maging team player.
sabagay, nagiging close lang naman yung iba sa event, after nun casualn na ulitsa office.
Hehehehe... Team buildings are challenging. It's also one way to unwind the stressors in the workplace...
Cheers!
i couldn't agree more! parang you took the words out of my mouth. we share the same sentiments...
Chyng, tama ka dyan...back to normal lahat pagdating sa office. Cguro may nagbabago sa iba, pero saken, wala talaga.
Kokoi, ganun ba? hehe. Tiga-Baguio ka?
masyado na ngang pilit ngayon. more hassle or burden na siya. though, sa dating company na pinasukan ko, enjoy yung mga team building. kasi in the first place, naging kaibigan ko talaga yung mga ka-team ko. so pag may "team building events", para lang kaming gumagala o gumigimik. hahaha.
moonsparks, hehe. Parang ganun din actually kami. Pero I am not feeling well, hindi talaga ako sumama.
Real success comes in small portions day by day. You need to take pleasure in life's daily little treasures. It is the most important thing in measuring success.
Post a Comment