...it's su'-pot not supot'.
I’m just wondering why grocery store and shop owners are so kind in providing customers supot. When you buy groceries, everything, every item has its own supot. Yung pack ng tissue na may handle na, nilalagay pa rin sa supot. Kahit isang bote lang ng mineral water, may sarili ding supot.
Wala lang. Pansin ko lang. Pag naggo-grocery kasi ako, gusto ko kasya lang sa isang plastic kasi ayoko ng madaming bitbit, pero yung mga bagger sa mga groceries, lahat ng items sine-separate, so imbes na isang supot lang I often end up having 3!
Imbes na plastic, bakit kaya hindi na lang papel ang gamitin? It’s environment friendly! Yun naman ata ginagamit abroad di ba? Pero sa Pilipinas, mas pinipili ang plastic na mas mahal na, non-biodegradable pa.
Wala lang. Pansin ko lang. Pag naggo-grocery kasi ako, gusto ko kasya lang sa isang plastic kasi ayoko ng madaming bitbit, pero yung mga bagger sa mga groceries, lahat ng items sine-separate, so imbes na isang supot lang I often end up having 3!
Imbes na plastic, bakit kaya hindi na lang papel ang gamitin? It’s environment friendly! Yun naman ata ginagamit abroad di ba? Pero sa Pilipinas, mas pinipili ang plastic na mas mahal na, non-biodegradable pa.
15 comments:
HAHAHA! LOVED IT! LOVED IT!
Surefire Dong! Eh ganun din nangyari to us when we went to Ever mag grocery. Pucha, kamatis lang tsaka suka, dalwang supot pa. Try mo dun sa Rustans in Cubao - buhay pa ba yon?! Gan-un din.
Alam mo, tapunan din nang trash yan sa bahay. O, de parang nag-grocery ka na rin nyan for trash! :-)
parang gusto lang gumanti ng mga baggers sa management ng grocery store dahil maliit ang sweldo nila.
isang paraan para mabankcrupt ang store ay ang pag-ubos ng mga plastic bags. =)
reyna elena, di ko lang alam kung buhay pa yun. Kami din, nagiging basurahan mga supot pagkatapos. :)
dam-dam, ganun nga siguro yun...LOL.
Masama nga siya sa kalikasan. Kasi sabi ng grade school teacher ko, hindi daw nade-decompose ang plastic. Kaya maaaring mapuno ng plastic ang mundo. Pag nangyari yun, hindi tayo makakahinga. Haha!
Hehe. Galante sila sa supot ano?
Ako ay may isang kahon na puro kinolekta kong supot ang laman. Nakakahinayang itapon eh, maaari pang magamit sa hinaharap.
Pero tama ka sa suhestyon mo na mas maganda kung mauuso sa ating mga pamilihan ang mas mumurahin at "environment-friendly" na "paper bags".
kaso pag paper bags, ubusan naman ng mga puno.
galing galing ni reynner! Very well said. hehe
Lolo, kami din sa bahay, dami na naiipon. Ayaw kasi itapon ng nanay ko.
hi dam-dam, pag paper kasi pwede ung recycled lang, so safe ang mga puno dun.
Tandang-tanda ko pa yung sinabi ng teacher ko noon. Mas mabuti na nga lang daw na sunugin ang plastic (kaso hazardous naman sa air) para hindi makabara sa pagsipsip ng mga ugat ng puno sa lupa.
Kawawa ang mga supot na maninipis at walang style (cheap). Nauuwi lang sila sa basurahan. Panalong-panalo ang mga makukulay at matitibay na supot (sosyal). Hahaha! Sila ang ginagawang lalagyan ng mga damit, gamit, pati na rin lagayan ng baunan tuwing lunch. :-P
Ibaon man sa lupa o sunugin, parehong hindi maganda ang effect. :(
At naawa ka sa mga cheap na plastic? hehe...
Tama. Pero wala na tayong magagawa. Kahit saan kasi may plastic. Pati ibang tao plastic..hehe.
damdam, honga. pede namang recycled lang.
Sa pagkakaalala ko naging segment sa Jessica Soho (or yung sa channel 2? di ko marecall) yung tungkol sa paggamit ng supot. As in exponential ata ang paglago ng plastic sa Pilipinas. Baka dumating ang araw, matatabunan na tayo ng plastic!
belated hbd. and thanks for visting my blog. regarding my supot expereince here in korea. when you go shopping, di ka nila bibigyan ng supot. kelangan bilhin mo. tapos mas mahal yun isang uri ng supot (sa lugar namin yung kulay pula). kasi di ka pwede magtapon ng mga basura mo eh, kelangan sorted lahat. tapos yung di mo masort na for incineration, dun mo ilalagay sa kulay pulang supot.
Ur right, reyn or reyn(ner) :P
yoshke, tama, recycled nga.
louis, ndi ko ata napanood yun ah. Sana naman, ndi tau matabunan ng plastic...
hi couch! Tnx! I think disiplinado talaga mga tao dyan. Siguro kasi well enforced talaga ang mga laws nila, unlike dito sa atin na ndi sinusunod.
"Imbes na plastic, bakit kaya hindi na lang papel ang gamitin?" - Matagal ko na din ito iniisip. Hindi lang sa grocery pero sa fast-food delivery din.
Post a Comment