Sunday, June 1, 2008

Dress Code: Bawal ang naka-sando sa Walter Mart

May bagong tayo na mall sa tabi ng Munoz market. Walter Mart North Edsa. Maliit lang na mall. Yung tipong magiging tiyanggehan in the future. Walking distance mula sa place ko kaya halos araw-araw simula nag-open sila ay andun ako. Hindi para mag-shopping pero para magpalamig lang.

Dahil nga malapit lang sa bahay na tinitirhan ko, kadalasan nakapambahay lang ako pag pumupunta dun. Friday, naka-jeans, tsinelas at sando lang ako. Pagpasok, nagulat ako nang sitahin ako ng guard. Sabi bawal na daw naka-sando sa loob simula bukas, sabay turo sa sign sa may entrance door!


Bawal naka-sando sa mall? Sa Walter Mart? Talo pa ang SM at Glorietta?!? WTF!!!

Hindi ata nila naisip na pang-masa ang lugar na pinagtayuan nila ng mall. Ano ang mga ini-expect nilang customer? Mga naka-business attire?


The next day, balik ulit ako. And I've noticed one thing, pag sa likod (residential area) pala dumaan ang mga nakasando, hindi sila pinapapasok, pero pag sa harap (along EDSA) ok lang. At yung sign ng dress code na yan, sa likod na entrance lang din meron. Ano yun?


UPDATE: About 3 weeks after I've posted this, hindi na bawal ang naka-sando sa Walter Mart, Munoz.

Cheers!


28 comments:

Abaniko said...

At ano naman ang "improper attire?" Simbahan ba ang Walmart? Sobra.

Dakilang Islander said...

ang OA naman na mall sa description mo lang hindi naman class ang dating

aajao said...

dapat ki-nlassify nila. sa side ng walter mart, malamang pinuprotektahan lang nila ang kanilang interes laban sa mga shoplifters pero makikilala mo naman sa ayon kung aling sando ang dapat at hindi dapat papasukin. pero gayunpaman, natatawa lang din ako sa mga dress code dress code na yan sa mga public establishments. wala lang. simpleng discrimination.

Anonymous said...

ang puso mo! hehehe
hayaan mo na sila.
bumebenta ba naman sila?

ingats!=]

Anonymous said...

nakakabwisit nga yung idea na pinapapasok yung galing sa side ng edsa.

pero ako, pet peeve ko lang din ang sando. ewan ko ba, hehe, sorry. ayoko ng sando. ayoko sya suotin at ayoko nakakakita sa labas ng naka-sando hehe. La lang.

Ely said...

Abaniko, kakatawa nga yang improper attire na yan.

dakilang islander, sinabi mo. maarte sila...

aajao, ur right, pero mga nakasando lang ba ang mga nagsa-shoplift? discriminating nga...

cedeux, ewan ko, haha. Konti lang mga tao pumapasok. Karamihan mga tambay lng.

yoshke, ayoko din dati. Ngayon ko lang natry mag-sando dito sa Manila kasi mainit. Dito ko lang din natry lumabas na naka-short at tsinelas lang. hehe

Anonymous said...

ako hindi na ako nagsasando pag lumalabas kasi bumabakat ang nipple ko hahahahaha at meron na akong malaking tattoo sa braso na takaw pansin, karamihan pa naman ng tumitingin puro lalake hahahaha inggit lang sila hehehehe. back to topic, feeling ko lang kaya inilagay yong sign na yon para maiwasan yong mga tambay don sa residential area na magpalamig lang sa loob. Sa totoo lang hindi ako comfortable na maraming nakasando at nakatsinelas na mukhang jologs sa loob ng mall, wala naman sigurong problema kung nakasando ka lang at tsinelas basta maayos at hindi ka mukhang gusgusin o gangsta.

Ely said...

Normand, nyehehe, bakat ba ang nipples. Yung sando ko ndi naman ganun, medyo maluwag. at nung nasita ako bagong paligo ako nun, mas mukhang gusgusin pa mga guard nila. LOL. Pero I agree, siguro nga ayaw nila mga tambay, pero ganun din kasi sa harap sila dadaan so pasok pa rin.

Nanaybelen said...

maling mali ang discarte nila sa bagong negosyo na yan . kaya sa susunod sa may edsa entrance ka na pumasok. hehehe. ano kaya ang difference non.

Rio said...

dapat ba naka gown habangnag grogrocery??? hehehe...
wala naman sa kasuotan yun e..paano kung ms komportableng naka slippers lang ang mamimili??
mas mag ingat sila sa mga taong naka coat and tie..hehehe

Anonymous said...

weird mall. summer kaya. hehe!

Dabo said...

huh? talaga. asteeg!

Ambo said...

So far wala pa naman akong napuntahang mall o supermarket na nagbawal nyan. Tama si Dakilang Islander. Ang OA nila as in Ober Arte hahaha. Next time pagbisita mo nga dun mag coat and tie ka para saluduhan ka ng mga lokong yan! Ang hirap kasi minsan dito sa atin, may mga rules na di naman akma sa lugar. Grrrr....

Felix said...

LOL, mall na may dresscode, only in the Philippines, LOL

The Dork One said...

for reals??? ang weird naman ng mall na to

Abou said...

naku at mukhang sisikat ang walter mart na yan dahil sau! ha ha ha



.

Anonymous said...

ano kaya kung mag-sando ka pero naka-necktie at sa likod sa dumaan, papapasukin ka kaya? o kaya naman naka-brip pero naka-coat. HAHAHAHA

panalo naman yang dress code na yan. oh well, mall nila yan eh so they can impose rules. yun nga lang, dapat naisip nila na may pambili na ng t-shirt ang mga tambay at nagshoshoplift ngayon. hehe.

Anonymous said...

At pano ako? Type ko pa naman yong dress na sinuot ni Beng saken sa Davao? Pano pag naka-gown ako? Bawal din ba? Dress code not ba ang dating ko? hahaha

.::. Vanny .:. said...

anu ba yun?! hahaha. pasaway naman yang walter mart na yan. yung walter mart nga d2 sa pasong tamo, daming nakasando lang eh.. tska alangan namang mag todo bihis ka pa kung paglabas mo ng mall eh bahay nyo na.. Asa naman sila masyado. hehe

wanderingcommuter said...

huwaw as if naman ipambabayad mo ang damit mo kapag bibili ka sa kanila. tsktsk!!! magkaroon na nga lang talaga ng maeenforce ngayon, gagawin kahit ang pinaka out of this world. hehehe

Diablo said...

tangnang watermart yan, ipinanganak bang naka-tuxedo ang may-ari??

Ely said...

Nay Belen, mali nga talaga. Di ko rin alam kung ano difference nun.

dra. rio, haha. ewan ko kung ano ibig sabihin nila sa dress code.

Acey, tag-ulan na daw kasi,. hehe

dabo, ah! ndi astig un! :P

Ely said...

Ambo, ako din, wala pa ako napuntahan na ganun kaya nagulat ako sa rules nila. Wala talaga sa lugar.

jake, sinabi mo...

leviuqse, yup, for real...

abou, ndi naman masiyado, hehehe

Ely said...

dyosa, hahaha. oo nga eh, siyempre madami na laman bulsa nila. hehe

reyna elena, pwedeng pwede kahit naka-gown! hahahaha

vanny, kainis no? pinakamalaking branch daw ata nila to.

wandering commuter, ok lang sana kung nasa lugar...eh tabi kaya sila ng palengke.

diablo, nagmura? hehe, baka nga may suot nung lumabas. LOl

Anonymous said...

anga labo naman nun... hehehe

Jez said...

nakita ko nga walter mart kanina ng pauwi ako ng pampanga. bukas na pala...

seryosa ba sila sa kanilang pinag uutos? as if naman napa class ng mall noh. ang init kaya dito sa pinas, sana kung nasa alaska tayo pwedeng magsuot ng makakapal at balot na balot.

sus.....

Ely said...

pipita, labo nga...

jez, pansin ko lang ngaun, tinanggal na nila ung "notice" na yan. Siguro na-realize din na mali yun.

Anonymous said...

Great work.