December 2007.
Gusto daw ako makita ni lola. Mukhang malabo, naisip ko. Wala na open slot for vacation leave. Kung makakabakasyon man ako sa pasko, mahaba na yung tatlong araw. Makakuwi ako sa bahay, pero baka hindi ko mabibisita lola ko sa baryo. Malayo kasi yun mula sa bayan, at wala pa sasakyan kaya kailangan lakarin. Nakakapagod.
Umuwi at nakarating ako sa bahay mula Manila hapon ng December 23. Tinanong agad ako kung gusto ko lumakad. Negative. Pagod ako sa byahe at hindi ko na kaya maglakad ng ilang kilometro.
Pero nagbago isip ko bigla pagdating ng Noche Buena. Bago matulog sinabi ko na lalakad kami madaling araw ng 25 at balik din kami ng hapon, kailangan ko bumiyahe ng 26 ng umaga kasi may work ako kinagabihan. Kasama ko si papa at nakababatang kapatid, bitbit ang mga pasalubong, nagsimula kami maglakad alas singko ng umaga. Mahaba-habang lakaran. Dala ko camera ko kaya ang dalawang oras, nadoble.
Kahit malabo na ang paningin, nakilala agad ako ni lola pagdating namin. Abot tenga ang ngiti. Malaki ang tinanda niya mula nung huli ko siya nakita. Sa tono ng pananalita, para na siyang namamaalam. Pero binalewala ko. Pabiro kong sinabi; "huwag po muna, saka kung sakali man, huwag po sa tag-ulan ha?". Napatawa lang siya.
Halos di na siya kumakain ng kanin. Puro tinapay na lang, gatas o kape, milo, instant noodles. Noon ko na-realize na sa mga pasalubong naming dala, wala ni isa galing sa bulsa ko. Sabi ko sa kanya, "Lola, sa sunod na pagbisita ko, dalhan kita isang lata ng biskwit, yung malaki." Tumango lang siya. Mahina na rin kasi pandinig, di ko alam kung naintindihan niya ang sinabi ko.
Biswit. At least pwede yun tumagal kahit ilang linggo. Pag tinapay kasi madali masira.
Kahapon ng hapon, nakatanggap ako ng tawag mula sa ate ko.
Bukas, uwi ako. Babyahe tapos lalakad ako ng ilang kilometro papunta sa bahay ng lola ko...
bitbit, ang lata ng biskwit.

29 comments:
reading between the lines, i can say something bad happened pero sana naman wala... :( meron ba?
ely! penge rin ng biskwit!
sana ay ayos naman ang lola mo.
ingats sa paglalakbay=]
crap...im sorry...i can't be sure enough...pero nakakalungkot...hope you're ok...
I am sorry Ely...
I'm almost crying..
Oh agree with them.. It's all reminiscing.
I hope everything's okay. But I'm sure your lola is very happy na bibisitahin mo siya :9
i'll pray. condolences..
condolences, bro.
ely, na-miss ko ang lola ko, kabebertdey ko pa naman, umiiyak tuloy ako. ang parents ko matanda na rin, i'm tyring my best to make them happy and be with them all the time, walking distance lang ang layo ng bahay nila sa akin, may telepono naman...pero di ko magawa ang mga dapat kong gawin para sa kanila...guilty ako.
ingat.
i remember reading a post you did on your lola and the old-world stuff in her house.
nakakalungkot naman. it's like the end of an era...
tinawagan din ako ng mommy ko at tita ko, pinapauwi sa province kasi si lola may sakit. so nag sked ako ng dis weekend, kaso dinala sya sa ospital......tnwgan ko si tito, okei na daw lola ko, nothing to worry......pero uwi pa rin ako dis weekend.'
sana ganun din sa iyo....sana everything is okei
i hope it's not what i think it is....
tc.
aaawww.. condolence.
Ely, condolence.
sana madatnan mo pa si lola mo na nakangiti at matikman nya ang biscuit na pasalubong mo. Mukhang mahal na mahal ka nang lola mo. Nainggit ako. kasi lola ko noon, puro mga pinsan ko lang ng minamahal nya.
Mukhang iba ang dating sa akin ah. I hope di naman tama ang sumagi sa isipan ko. Tumawag ang ate mo tapos, ang biskwit kadalasang ginagamit sa.... Liwanagin mo nga Ely.
Ops, kababasa ko lang ng comments. Kung ganoon man, my condolences.
my condolences.
THANKS SO MUCH TO EVERYONE! Appreciate it, really. I just arrived and i'll be back to my normal (blogging)schedules soon...
ganda ng sinulat mo.
hope you're ok already.
naiyak naman ako dito,.miss ko na lola ko,.almost 5 years na syang wala pero lagi ko parin sya naalala,.sya kasi ang nagpalaki sakin..Hindi nia na ko nahintay maka graduate kaya ngayung may trabaho na ko hindi ko gustuhin ko mang bilhan sya ng paborito niang lansones eh hindi ko na rin nmn maiibibigay ito sa kanya,.pero alam ko naman na maraming lansones sa langit,.hehe
take your time dude!!!
ely, did she really die?
i'm so sorry, man.
god bless her soul.
ps: that was really nice of you to keep your promise to your abuela.
Sweet post. Thanks for sharing your story between you and your Lola. Naalala ko tuloy mga Lolo at Lola ko. Wala na silang lahat ngayon :( Take care of your Lola kahit bundok pa yan kaya mo yan.
my condolences ely.
ely kanya kanyang panahon, kanya kanyang oras. importante we always keep our promises, no matter what.
we'll be around
nakakalungkot 'tong entry mo pero ganda ng pagkasulat mo hah..puno ng emotion..sana ok ka na
Sooner or later, someone will have to be responsible for others to reunite over salabat...biskwit... and boy bawang. Very sad...
My deepest sympathy.
Hope you'd be back soon. Will miss your photos in your other blog.
na-miss ko tuloy ang lola ko...sya ang nag-alaga sa akin nong bata pa ako pero ngayon may trabaho na ako hindi ko man lang sya mabisita sa probinsya :(
Post a Comment