Saturday, August 23, 2008

Talunan

Nagtext kagabi kapatid ko: "May Olympic gold na ang Pilipinas."
Reply ko: "Naniwala ka naman."
Textback niya: "Meron, kakapanood ko lang awarding ceremony."

On ako ng TV, walang news, lipat ng channel, walang update. Kung totoong meron, unahan na sana sa Beijing ang mga tauhan ng magkabilang istasyon, at merong "exclusive" na nagbiblink sa baba ng kanilang screen.

Wala.

Check ko internet.
Natabunan na ng ibang headlines ang balita. Wushu pala. Panalo nga pero hindi kasama sa official tally.
Wala lang. Not Counted. Pampalubag loob.

Ganun lang.


Walang gold medal.

Hanggat may mga kurakot katulad ni GMA at asawa niya na nakikinabang sa kakapiranggot na budget sa sports, huwag umasang may gold medal.

23 comments:

_ice_ said...

Dapat kasi boycott na tau sa gobyerno kasi wala naman silang nagawa sa team philippines hahaha, dapat daw ayon sa survey dapat pasalamat sana tau sa GMA at ABS CBN kung sila sila ang mga pinadalasa olympic:

capt barbell para sa weight lifting
dyesabel para sa swimming
kung fu kids para sa taekwando
palos para sa trck n feild

yon lang...

sama na rin ang soundtrack na

mangarap ka..

hehehehe have a great day tol

pusa said...

wala talaga kahit medal na duling wala :(

hayss eniways tinag kita, alam mo nama favorite kita i-tag hehehe

onatdonuts said...

hindi naman kasi ganun kaseryoso ang gobyerno para sa mga abang atletang pinoy.

Ang pagiging atleta sa Pilipinas ay nangangahulugan ng kahirapan. Isang sakripisyo para sa isang atleta ang magpatuloy ng training kung wala naman siyang nakukuhang tamang suporta mula sa gobyerno. Bakit mo nga naman uunahin ang training, kung mismo ang pamilya mo ay walang makain? tsk tsk...

daming buwaya sa gobyerno, pati pondo para sa mga abang atleta ay pinagkakainteresan pa.

Boying Opaw said...

ngek! makaulit man ni uy. kakainis.

Ely said...

ice, hehe. mas maganda pa siguro kung sila na lang ang sponsor. For sure gagastusan nila ng husto. Wala talaga tayo maasahan sa gobyerno.

pusa, oo nga. nakakalungkot. post ko later ung tag mo. thanks!

onatdonuts, tama ka dyan. madami naman athlete na magagaling at willing din siguro mag-sacrifice para sa training. pero kung ganyan na tipid ang budget nila, wala talaga mangyayari.

boying, nag-German ka dong? hehehe

Chyng said...

@ice,
natawa ko dun ah. ayos!

@ely,
nag-effort din naman yung mga olympians naten. mas madame lang tlgang more prepared. carry na yun!

Ely said...

chyng, yup, walang problem sa efforts ng athletes, kung effort din lang nasa kanila na lahat. Yung quality ng training, facilities ang kailangan. Ndi sila prepared kasi nga kulang ang budget, ndi nagagastusan ng tama.

Nanaybelen said...

sayang nga ang mga atleta natin, kulang na kulang sa training at facilities. wala kasing budget...

atto aryo said...

i now see how first world athletes train for the olympics. grabe ang suporta ng lahat ng sectors! from government, to big business, even media. at the rate we're going, mukhang matatagalan pa bago makalagpas tayo sa pampalubag-loob at tsamba.

Frankie Calcana said...

Sadness again.


Tatlong Olympics na yata na hindi tayo nakakapag-uwi ng medalya.

This is a reflection na hindi binigyan ng enough budget, let alone, attention ang sports sa Pilipinas. Magagaling naman athletes ng Pinas, kaso pinapabayaan lang at hindi binibigyang pansin. Kay Pacquiao lang ata nakatuon ang attention ng MalacaƱang.

Sadness.

Rendezvous said...

Mas focus kasi ang ating pamahalaan sa mga mas seryosong problema ng Pilipinas kaya napapabayaan na ang ating mga atleta pero may commission naman na naka-toka para sa ating mga atleta. Anu ginagawa ng commission na yun at iilang atleta lang ang isinali sa olympics, 11 lang. Ganun kakonti ang isinali sa pinakamalaking sports event sa mundo. every 4 years na nga lang nagkakaroon ng olympics, di pa mapaghandaan ng Gobyerno. Sana may konting improvement sa 2012 london olympics. Siguro naman iba na presidente natin.

enrico said...

Ang dapat siguro gawing strategy ng bansa natin ay mag-focus sa sports na hindi masyado kelangan ng height. Maliliit kasi mostly ang mga Pinoy. Sa boxing, gymnastics, at iba pang di masyado advantage sa sport ang height. Sa swimming kasi kailangan ang reach, so pag mas matangkad ka, may bentahe ka. Ang kenya maraming medals na nakuha. Ang Tunisia, Trinidad and Tobago at iba pang hindi ganun ka industrialized na bansa may medals din. Hindi naman siguro dahil sobrang state of the art ang facilities nila. Malamang nanalo sila sa sport na forte nila. Dapat mahanap ng Pinas yung sport na forte rin natin at dun natin I focus ang training.

[chocoley] said...

Haha natatawa ako habang binabasa 'to... hindi ko ma-imagine yung mga words, parang kang disappointed na nalugi.

Hay, pampalubag loob nga lang talaga.

Abou said...

ang chinese at mga pnoy pareho lang halos ng built pero sila humahakot ng medalya tau hindi. we dont really have a concrete sports program.

Anonymous said...

:(

lucas said...

hays... nabasa ko yung headline sa TV patrol. PINOY NAKUHA NG GINTO SA BEIJING! at ayun...hehe! tama nga ang hinala ko. it turned out hindi counted kasi demonstration pa lang ang wushu sa olympics. di pa official. crap. pero di bale na... so may 5 million at kotse ba yung nanalo?

Jez said...

natawa naman ako sa comment ni ice,,,,eheheh

anywiez, what do we expect? olympic or other sports events is not exciting for the governmet.

so, kailan ihohost ng pilipinas ang olympic? ASA!

Oman said...

i agree parekoy. nagmumukang kawawa lang talaga mga sportmen natin compared sa iba.

by the way, if it isn't too much to ask (kakapalan ko na mukha ko), i am nominated in this pinoyworld blog contest and i need votes. please check the poll in my blog and vote for LAWSTUDE. thanks bro.

Anonymous said...

sa totoo lang anoh? lahat ata sa Asean me medals na tayo ala hahaha pero eto tanong, sino ang nakakuha nung budget na $300,000 per athlete na maka-gold aber? hahaha eh kung USA $50,000 lang at ang Canada $20,000 halllerr! nadadaan ba sa dollar ang gold?

EHEK mali! OO nga pala hahaha ang tawag dun PIDALISMO hehehe

theNOTcrack said...

then the government will take credit for the gold(kahit di-kasali sa tally) kahit personal na gastos naman ng athletes ang pagpunta dun. wala lang din... pakapalan na ng mukha...

Abaniko said...

Ano kaya kung ang malalaking kompanya na ang mag-sponsor ng kani-kanilang atleta? Mas may patutunguhan siguro yan.

Dakilang Islander said...

wala man lang akong nakita sa tv na naglalaro na nagrepresent ng Pinas kasi hangang first round lang ata lahat talo agad!

buti pa yung afghanistan naka bronze pa!

Anonymous said...

henaku, wala eh, kinakawawa yung funds ng sports eh.

Thesis ko yan nung high school. Philippine Economy and Politics in relation to Performance ng Pilipinas sa international competitions.