Sunday, May 31, 2009

Ang katotohanan sa likod ng buhay sa baryo

Tama na nga muna ang sex video.


Nauuso ngayon sa blogosphere ang mga kwentong barrio. At dahil ayoko mapag-iwanan, siyempre makikisali din ako.


Technically, hindi naman talaga baryo ang lugar namin. Pero dahil nakatira kami sa bayan na may bundok, batis, ilog at bukid, at minsang tinawag na 5th. class municipality, ganun na rin yun di ba? Ang bayan namin, hindi yung typical na town. Baryong-baryo siya in many ways.

Walang palengke. Ang pinakamalapit, kulang-kulang isang oras na byahe. Kung gusto mo mag-Jollibee, that's two hours away. At kahit isang burger lang oorderin, todo ang get-up. Kasi sa loob ng jeep galing bundok, hindi proper attire ang naka-shorts lang. Palibhasa minsan-minsan lang makasakay at makarating ng highway kaya dapat tamang get-up. May schedule ang byahe na kadalasan once or twice a day lang. Hindi yung gigising ka lang anytime, lalabas ng bahay at papara na lang.

Madaming misconception tungkol sa lifestyle sa bukid. Tulad na lang ng bahay kubo as a symbol of poverty. Not necessarily. Kahit nagkakamay kumain, sa bahay kubo nakatira at walang pera sa bangko, nakatago sa baul ang pera nyan. Pagsama-samahin mo ang mga alagang baboy, kambing at kalabaw tas presyohan, idagdag pa ang mga lupaing sinasaka, mayaman na in their own rights. Tamang hindi nagugutom at kumakain talaga ng 3 square meals a day! IMPORTANT: Applicable lang sa kabukiran to. Kasi pag sa Manila bahay kubo ang tinutuluyan mo, ibang kwento yun.

Hindi lahat ng kababaihan naka-daster. Pinauso kasi sa mga pelikula ang promdi look eh, at hindi na nila na-update. Tuloy akala ng mga nasa city puro nakapaldang mahahaba ang mga babae sa bundok. Hindi po. Panahon pa ng hapon yun, sa mga paintings na lang ni Amorsolo makikita. Ngayon, madami din kita ang legs pag manamit; makikinis! Kasi, laging nahihilod ng mga bato sa batis. Hindi uso dun yung nabibiling net na pang-scrub, bato lang talaga. Sa baryo, it's almost a taboo na hindi mag-scrub (ng bato!) pag naliligo.

Hindi rin kami laging naka-camisa de chino. Hindi porke't magbubukid yun na lang lagi ang sinusuot. Makikita mo na lang to pag may mga nagtitinikling sa field demo pagdating ng mga pista.

Hindi na uso ang harana. LOL. Sa TV na lang meron yun, pag may artistang nagbe-bertday. Wala nang babaeng naka-dungaw sa bintana at kinakantahan. Text-text na lang ngayon. Meet sa kung saan, at yun na yun.

Sinong nagsabing maiitim kami? Blasphemy! Pare-pareho lang ang kulay nang balat naten. Babad lang kasi sa araw kaya umiitim.

Opo, may mga schools din po kami. Minsan, ilog at bundok ang tatawirin para lang makarating sa school. Mga books pinagpasa-pasahan na ng ilang henerasyon. Hardbound, kasi tinahi na ng lubid nung unang mapasakamay sa mga ninono pa namin. Kung panganay ka sa pamilya, kadalasan sayo lahat ang bago, pero kung ikaw ang bunso asahan mong tagapagmana ka ng mga pinag-lumaang uniporme ng mga ate o kuya mo. Ang mga magulang sa baryo, handang magbenta ng mga baka at kalabaw, at magsanla ng mga lupain para may pang-tuition lang ang mga anak. Ganun kahalaga ang edukasyon.

Simple lang talaga ang buhay doon. Kaya nga kami pinapabayaan eh. Akala kasi ng mga trapo naten wala na kaming pangarap, na kuntento na lang sa kung anong meron. Natutuwa kasi kami pag pinipinturahan nila ang plaza ng puti at yung mga pangalan nila nakaprint sa pula na ang lettering pagkalaki-laki. Lahat ng makikita mong bigay nila malaki man o maliit, may "donated by".

In a way tama sila. Pero nangangarap din po kami. Overtime, nagkakaroon ng linya ng kuryente, cable TV, sementadong kalsada, at higit sa lahat umaakyat ng entablado at tumatanggap ng diploma.

Yun nga lang ang mga sementadong kalsada very short ang lifespan. Seasonal kumbaga kasi pagdating ng mga bagyo tinatangay yun ng tubig ulan. Ganun siya katibay. Palibhasa yung budget pinang-casino sa Las Vegas at pinang-gawa ng sariling zoo! Amf talaga!

23 comments:

reyna elena said...

hehehe! para mo na ring ikinwento ang barrio namen! hahaha! ang cute mo naman dun sa kambing! anong pinaguusapan nyo?

wanderingcommuter said...

so many sterotypes broke and too many realizations have been pondered in just one post...

kudos!

aajao said...

sa san Teodoro dati nung pumunta kami, uso pa ang harana. at libre ang ligo sa dagat kase nasa likod bahay lang. hahaha! gusto kong manirahan sa barrio. simpleng buhay. tahimik. :)

Chyng said...

Masara tumira ng isang linggo sa probinsya. Pero after a while, hahanapin ko pa di nang ingay ng Maynila. Ang aga kaya matulog sa probinsya! hehe

Ely said...

reyna elena, hehe. may binubulong lang siya. LOL...

wanderingcommuter, thanks!

aajao, wala pa actually ako nakikita na hinaharana. hehe...

Chyng, kahit ako din, ndi ko kaya magtagal dun lalo pag wala ginagawa.hehe. medyo mahirap pag medyo matagal ng wala dun. masarap lang magbakasyon, o pag may occasion. there's no place like home.

Anonymous said...

You've got some cool stuff going on around here!

Keep it up!

Would you call me rude if I ask for Exchange Link?

(fingers crossed)

=)

The Scud said...

may banat ka pa talaga ha. hehe. laking probinsya din pala ako pero may department store naman kami. jollibee. mcdo. chowking. pag pumupunta ng "downtown" ang mga tao nakaporma. ako shorts, shirt, at tsinelas lang.

have a great week!

theNOTcrack said...

parang baryo lang din namin...anu daw sabi ng kambing? haha

Ely said...

Languages Internationale, thanks a lot! link? no problem.

The Scud, have a great weekend too!

arjay, hinahalikan paa ko. hehehe

Allen Yuarata said...

Pareho tayo. I grew up in a barrio. Wala kaming kapitbahay dati. Puro palayan at bundok. I walk 2 kilometers just to get to school and nagbabaon ako ng lunch sa tupperware.

Madalas din ang brownout kaya sanay kami magkwentuhan ng nakakatakot sa hapag-kainan. Then when the "gasera" dies out, nagtatakbuhan na kami.

Mahilig din kami kumain ng mga prutas prutas (or di ko sure kung prutas yun o bunga ng damo) sa tabi ng kalsada. Hindi rin sementado ang daanan sa amin kaya sanay kami sa bumpy ride. haha.

Jollibee is 3 hours away from our village and tuwing monday ang ang talipapa. hehe.

Nakaka-relate ako masyado. Excellent!

JPS said...

Maganda talaga tumira sa Barrio mga 'tol lalo na't may magandang dalaga.Lol. Simple lang ang buhay basta masipag ka lang. Isang pagbabalik-tanaw sa panahong nagdaan ay ang maalala natin ang ating kabataan sa Barrio. Magugunita natin magagandang alaala pag kasama mo crush mo. Lalo na pag kasama mo maligo sa ilog o dagat kasama barkada.Lol.

KRIS JASPER said...

Dito sa UK, kahit pinaka tagong village eh sementado ang daan.

Kaamihan kasi ng mga politicians dito eh mga bata.. di mga matatanda... kaya iilan lang ang trapo.

Sana magkaroon ng age limit sa mga congressman sa pinas no.

Ely said...

Allen Yuarata, saang barrio kayo? hehe. Mukhang alam ko yang mga "prutas" na yan. Yung mga kulay yellow/orange pag hinog na maliliit? hahaha..saka madami pa.

Salamat sa pagdaan mo dito...


manuvutribe, tama po kayo. :)
By the way, tnx for following me here at blogger...


kris kasper, age limit? pwede! hehehe. pero madami kokontra jan.

Anonymous said...

made me miss home :) ako? i'd still probably give up all the city comforts just to be able to live in the "baryo" again.

Ely said...

moosparks, san po home niyo? hehe. Personally, I may not be able to totally give up the city comforts, but I wouldn't mind living in a barrio anytime.

fufu said...

lol... english please *q* or at least couples of pictures :)

Agaton said...

this brings so much nostalgia.

Ely said...

fufu, sorry, it's meant to be a Tagalog post. hehehe.

Agaton, thank u, and thanks for visiting...

orphicpixel said...

wow, inspiring ang kwento mo, lakay parehas pala tayo ng sked sa byahe ng dyip pag minalas malas pa di mo na maabutan ang byahe, o kung maabutan mo naman sa bubong ka na pwede.

Ely said...

orphicpixel, Wen lakay! hehehe. Nakalimutan ko ung bubong! Tama, sa jeep nga pala punuan hanggang bubong. hahaha. I missed that.

Anonymous said...

ur a great storyteller. keep on writing!

Anonymous said...

sa amin, tawag dun sa bubong taplod. ewan kung galing sa salitang top load un.

Ely said...

letters2mindanao, thanks! We do call it top load too. hehe