Medyo hindi na ako nakakablog lately, pasensya na po. Medyo nilagnat lang naman ako ng ilang araw, kasabay ng sinipon. Kala ko tuloy kung ano na yun. Amf!
Busy din sa work. Sana talaga hindi na kailangan mag-work pa no? Wala ibang choice kundi mag-leave lang...
At basta may birthday ng isang miyembro ng barkada, asahang may outing.
HAPPY BIRTHDAY MAE!!!
Dapat byaheng Cebu kami pero dahil kinapos ako sa budget (kasi peke pala ang inaasahan kong pasalubong na $100 mula New Orleans), ayun bumalik ang eroplano at sa Galera na lang kami nilapag! hehehe
Sinulit namin ang dagat at buhangin.
Naglaro.
May taguan.
Lumamon...
Uminom...
Nagsawa kami sa tabing dagat. May nakita kaming jeep, byaheng looban daw. Sumakay kami.
Waaaahhh!!! Asan na kami?!?!
Paakyat na ata ng Baguio...
Ayun may falls, Kennon road nga ata to.
Tamaraw falls daw pala, sabi ni manong driber.
Maganda ang view.
Napa-emo tuloy ako...
May falls pa daw sa kabilang bayan., siyempre nakisakay na lang ulit kami.
Saang lugar na kaya to?
Bukid?!?
Bukid nga! Feels like home, to me...hehehe
Dead end. Hindi na pwede mga sasakyan.
Muntik na talaga kami mawala. Buti na lang may bata, galing sa kabilang baryo at bibili lang daw ng suka. Malapit na daw, mga 30 minutes pa!
Para sure kumuha kami ng kalabaw.
We had one hell of a ride!
Pero dahil animal lover ako at future member ng PETA, naawa talaga ako sa kalabaw. Kahit mahal, kinuhanan namin agad ng private jacuzzi.
Habang kami ay enjoy magtampisaw sa batis.
At magpicture-picture!
Dumaan sa hanging bridge.
Hangang sa mapagod...
By the way that was Tukuran falls.
Uwiian na. Balik na naman sa trabaho. Sana puro bakasyon na lang lagi...
...next summer na ulit.
Bad coincidence. May flash report tungkol sa lumubog na bangka byaheng Galera habang sinusulat ko to. Prayers ko po para sa mga pamilya ng mga nasawi...
23 comments:
ang ganda naman nung tamaraw falls! weee!
buti hindi kayo naligaw :D
aba mukhang walang tao sa galera ha. miss ko na ang mindoro sling at kebab. hayz!
nainggit ako sa bakasyon. haha
buti pa kayo puro gimik! hahaha! yaan mo! pag-uwi ko! me $100 ka! pero ready ka hehehe KALIWAAN hahaha!
Lucas, hehe, madali lang actually puntahan, basta alam nung driver.
iRonnie, first time ko try ung mindoro sling, at nahighblood ata ako sa mga inihaw!
electropunk, sana nga lagi lagi. hehehe
reyna elena, hehehe. joke lang un!
uy! ang gagaling mag pose! he he. na miss ko bigla ang bukid.
kainggit! naku, hahabol din ako. pwamis!!!
Wow, rediscovering PG! Magkno Tamaraw tour?
r-yo, praktisado yan. hehe. kakamiss talaga. sarap ng hangin.
wanderingcommuter, san ka? Bora? hehe
Chyng, nag-rent lang kami ng jeep. 1500 round trip na yun, kasama na bayad sa driver at gas. Tagal nga namin pinag-antay si manong eh. hehe
wow.. oo nga sana puro bakasyon na lang noh?
para wala iisipin, walang hirap, walang problema, wala lahat kundi puro happiness.
musta na
buti naman nakabalik ka na! i read sa Barrio na me nag-capsize na bangka sa mindoro!
wala bang mga salbabida yong mga bangka na yon?
ice, sana nga... hehe. ok naman ako. kaw, musta na po? emo pa rin ah! :)
reyna elena, honga eh. actually before ko post to sakto un ung flash report sa TV. Commando pa man din sinakyan namin... nagtaka din ako kc ndi nila pinapasuot ung mga life vest, andun lang nakadisplay. siguro kanya-kanyang kuha na lang kung sakaling may accident. ngaun na lang daw nila require mga passengers magsuot. ndi na ako punta ulit ng Galera.
wow. ang saya nyo naman. buti pa kayo naikot nyo ng bonggang-bongga ang puerto galera! kainggit naman.
kawawa naman yung mga namatay sa boat going to puerto galera noh? may their souls rest in peace.
Honney, hehe. oo, kung san san kami nakarating.
wawa nga sila, overloaded daw kc. lagi pala may lumulubog na boat dun.
yeah... i'm not surprised. it just shows sa iba-iba ang mga trip natin. hehehe! so have you read the book?
lucas, nope. hehe. Hindi kc ako mahilig sa mga books. Trip ko lang basahin mga short-short stories. Pag lumampas na ng 3 pages ayoko na. hehehe
ay ganun? hehe! so i guess you're more of a writer than a reader then. hindi rin ako mahilig magbasa dati. naimpluwensiyahan lang ng mga barkada kong bookworms...hehe! nahihirapan akong hindi magustuhan ang mga movies na nabasa ko from books. ayun. haha!
---
yeah fiction nga. hehe! kaasar ba? :P
sayang di kayo natuloy ng cebu. once lang din ako nakapunta ng galera. 2005 pa ata. it was fun. pero ayaw ko na bumalik. baka lumubog ang bangka. di pa naman ako marunong lumangoy.
happy weekend!
Lucas, yup. mahilig ako magbasa pero ndi ng mga makakapal na books. hehe. Gusto ko kc tapos agad, i can't wait that long para sa ending.
The Scud, sayang nga. i was really looking forward to it kaso ndi natuloy. as of now, yoko na din bumalik ng galera. kakatakot. hehe
i miss the jeepney ride =p
Fufu, it's all over the Philippines. hehehe
grabe..ang ganda naman sa lugar na to. very fascinating.
hi eliment, fascinating indeed! Didn't know na may lugar na ganyan near Puerto Galera.
Post a Comment