Una sa lahat, nakikiisa po ako sa buong Pilipinas na nagluluksa sa pagpanaw ng ating dating Pangulong Cory Aquino.
I was literally raised a Marcos loyalist. Ipinanganak ako at nagkaisip nuong kasagsagan ng martial law. Namulat ako sa paniniwalang si Marcos ang siyang bayani. Lahat ng nakikita at naririnig ko nuong mga panahong iyon ay puro papuri kay Marcos, at pagbabatikos naman sa oposisyon. I was one of those who hated the color yellow and any personality who's associated with it.
Masisisi nyo ba ako?
Matindi at mainit ang usaping pulitika noong panahong iyon. Sa aking murang isipan, tumatak sa utak ko ang lahat ng naririnig ko sa mga umpukan at lalo na sa isinisigaw ng broadcaster mula sa aming lumang transistor radio. Si Marcos daw ay pilit pinapatalsik, kinukutya at inaapi kasama ng kanyang buong pamilya. Lumabas ang ibat-ibang pangalan, mga dating kaalyadong tumalikod at naging traidor, at ang babaeng naging dahilan ng kanyang tuluyang pagkakaalis sa pwesto.
Nagluksa at bumuhus ang luha sa buong Ilokandia noon sa balitang pumanaw na si Marcos. Nakita ko ang kalungkutan hindi lang sa mga magulang ko, sa mga kapitbahay, buong bayan. Kami ang inapi!
Perhaps, I was too young to understand.
Years have passed and I remained a believer of Marcos' legacy. On the other hand, I never really paid attention to the other side of the story. Sa isip ko, kami pa rin ang inapi.
I've seen photos of the EDSA revolution. Watched the videos, read the stories. But I never really learned to respect the brave woman who was behind all these. I failed to educate myself.
Up until her death.
Nuong unang nilunsad ng Reyna na sinundan nang buong Barrio at nang buong Pilipinas ang "tie a yellow ribbon for Cory Aquino, napaisip ako. Ninetynine percent of the time, suportado ko ang mga krusada sa baryo pero ngayon bilang isang loyalista ni Marcos, ayokong magbalatkayo. Walang yellow ribbon sa blog ko.
Hindi ko alam kung tama ba o mali, kung huli na ba ang lahat na magawa kung respetuhin si Pangulong Cory Aquino ngayon na wala na siya. Ang kanyang pagkamatay ang nagmulat saken sa katotohanan, sa sinasabing tunay na diwa ng demokrasia. Ang kanyang pagkamatay ang dahilan upang kilalanin ko ang kanyang katapangan, mga nagawa at naging kontribusiyon sa ating bayan. Mali ba na maisip ko lang ang mga ito ngayong pumanaw na siya?
Kung nakikita ko ngayon ang kanyang mukha sa dyaryo, sa TV, sa internet, parang bulang naglaho ang galit ko na namuo simula sa aking pagkabata. Ang nakikita ko ngayon ay isang babae, asawa, at ina, na nagsakripisyo hindi lamang sa kanyang pamilya kundi sa buong bansa.
I will remain a Marcos loyalist, but this I have to say; Tita Cory's death made me realize how I got blinded by false stories instilled in me before. I shall forever look up to her as a very courageous woman, a fighter for freedom, a leader, and most importantly, a religious, prayerful and loving mother.
Maraming salamat po, Pangulong Cory...
17 comments:
This is what I exactly want to read these days. Something about ExPres Aquino from a Marcos loyalist.
Tanong Ely: Sa tingin mo ngayon, api ka pa rin ba?
RJ, hindi na po. In fact, kahit papano I've learned to realize kung ano talaga ang tama. And now I understand why.
ano sa tingin mo ang tama? hehe...
ako hanggang ngayon, ang pinaniniwalaan kong best president ng bansa ay si Apo Macoy pa rin. pero gaya na rin ng sinabi mo at nai-blog ko, mataas ang naging respeto ko kay pangulong Cory Aquino.
Mabuhay ang mga Pilipino!
aajao, same here!
i never really understood or appreciated Cory's role in upholding Phili. democracy until her death...
Realizations usually flourishes in endings...
lumaki naman akong si cory ang sinusuportahan ng nanay at tatay ko. wala sa buong klase ko ang maka-cory kundi ako. lagi din akong kinukutya nun, at hiyang hiya ako kse kami lang na pamilya ang maka Cory. pati yung mga sinasabi nila na, "yan Cory mo, nagnanakaw ng kamatis sa palengke, " ay nakakasakit kaya wala akong makausap tungkol sa mga bagay bagay patungkol sa gobyerno nung bata ako.
lucas, parehong pareho tau. ako din, ngaun ko lang narealize.
duke, that was common sa mga klase dati kaya ung mga maka-Cory tahimik na lang. For sure, baliktad na ang sitwasyon ngaun.
I never really like politics. As a matter of fact, I hate it. I was too young to understand what really happened during the Marcos regime. Alam ko na maraming nagawa si Marcos. Marami syang naipatayong gusali -- Lung center, heart center, etc. Pero wala akong masyadong pakialam dun. Para sa akin, dapat lang siguro na marami syang nagawa sa bayan since 20 years syang nakaupo sa pwesto at marami na rin namang nakurakot ang pamilya nya. Sa dami na nag lang ng sapatos at alahas ni Imelda, alam na agad kung gaano rin nila inabuso ang kapangyarihan na meron sila.
To cut the long story short, I don't like Marcos. He was a brutal dictator.
I am not a fan of Cory. Hindi ko rin naman nasubaybayan ang accomplishments nya. But one thing I know for sure, we owe her a debt of gratitude for the freedom that we're enjoying now. And if there's one politician na masasabi kong hindi corrupt, siguro SYA na nga yun. Gusto ko ang pagiging simple at maka-diyos nya. BOw.
Hi Honney, siguro nga masiyado pa rin ako bata that time, pero since i grew up in a community na maka-Marcos, i think it's just normal na lumaki din ako na ganun. Pero siyempre things change while we grow up, and that includes my views. I agree with your comment about Cory. Inspiring ang pagiging simple at religious nya.
(BTW, mukhang aakyat na din ata ako dyan sa 7th floor. Waaaahhhh!!!)
Ely,
I was moved by your entry. Di ko alam. Di ko talaga alam, kaya pala wala kang ribbon at medyo nagtaka ako.
You know mahal kita (bahala ka na mag-define) but I want this entry posted sa Barrio Siete for people to know.
Tutal regular ka naman sa Barrio, Ipo post ko to sa gusto at gusto mo. Hahahaha!
Walang reklamo.
Wag kang iiyak.
Haharbaten ko talaga to.
reyna elana, di ko nabasa agad comment mo. nagulat ako sa title ng new entry nyo. kala ko may nanggaya lang saken. pinost mo pala dun, kakahiya...hehehe.
Thanks, I'm honored...
Ely, saludo ako sayo parekoy. nagpaka totoo ka. basa ko sa barriosiete ang post na ito, then nag comment din ako at nag share about our experience during the marcos regime. North Luzon din ako, from Cagayan.
Jeri, Thanks po sa feedback. Natakot po ako i-post to nung una, hehe.
Hi, I'm from Flippish.com and I'm doing a tribute story on President Cory Aquino and I would like to interview a Marcos loyalist. I thought your blog was great and am hopeful you would be willing to be interviewed. Please get in touch with me via email or cellphone (09178127959)! :-)
Hi Christina, I left a message in your page. Thanks!
Hi Ely...what page exactly? Cant seem to find it. Sent you an email though... ely1300@hotmail.com , right?
hello pow.. tama kayu dyan...sa totoo lang 2 yrs old plang ako nuuong napatalsik si pres. marcos.. pero sa lahat2x na mga batikos ng iba nababasa ko din yan sa internet bolongbolongan noun pero isa lang mas nanaig sa lahat ng negative thoughs , marcos regime got better employment records , less poverty than the present and even getting worser..the only thing is tayo kasing mga tao madali tayong mabola sa sasabihin ng iba , d kasi natin sinusuri kong totoo ba ang binabato ng mga oposisyon , in the background sa mga oposisyon meron silang sariling agenda which is people , us are blind into it... let say we flock in not the same feathers... d namn kysa may negative din ang luisita? ng Aquino time? marcos time ? Ramos ? lalo na kay erap PP2? and now Arroyo? saan talaga tayo nagkulang?? dapat d masyado makikinig sa ibang tao dahil hindi lahat ng nagpopotak ay nangingitlok dba???
Post a Comment