Monday, August 10, 2009

Chichirya

"Ano ang tawag sa mga pagkaing walang sustansya?"

Yan ang di ko malilimutang tanong sa quiz bee na sinalihan ko nung ako'y nasa Grade 2. Nutrition month. Uso ang pakontest sa mga school. Akin na ang poster-slogan pero sa quiz bee, tanggap ko, medyo napapahiya ako.

Naalala ko lang kasi hanggang ngayon mahilig pa rin ako sa chichirya. Kasama ako sa henerasyon na laking Pewee, Cheese it, at Snacku! LOL

Pero balik tayo sa question, and sagot daw sabi ng titser junk food. Nasagot nung dalawa sa apat kong kasama ko. Tinago ko ung illustration board ko kasi nahiya ako sa sinulat ko.






"Chichirya!"

Pag-uwi, piningot ako ni mama sa tenga.

14 comments:

RJ said...

Medyo nahuli sa Nutrition Month Celebration itong post mo, Ely, pero ayos pa rin. Napatawa mo ako! Hahaha! o",)

The Scud said...

haha. ayos sa sagot. never ako nahilig sa chihcirya. nakikain lang ako sa mga pinsan at opism8s. :D

lucas said...

tama naman ah... hehehe! mahalin ang sariling wika! :P

Chyng said...

pero meron akong natuklasang masarap na junk foodngayon, MARTY's VEGETATRIAN CHICHARON! Sarap! ;)

Abaniko said...

Kung ako yun, baka ang naisagot ko ay kendi.

Ely said...

RJ, tapos na ba? hehe. Ndi na ako aware eh.

The Scud, kaya ako siguro di tumataba, kc puro ako chichirya simula bata. :P


Lucas, sana dispute ko sagot ko no? hehe

Chyng, Yup! MAsarap nga ung Martys! Favorite din namin d2 sa office.

Abaniko, dapat i-consider ung sagot no? LOL

Looking For The Source said...

tama nmn yung sagot mo ah. hehehe.

ako, ive stopped eating junk food. healthy na. LOL.

naalala ko tuloy ung one question nung exam ko sa math, question is tagalong ng thousand..

ang sagot ko..


"MIL"

Ambo said...

Mahilig din ako sa sitsirya hehehe. Di yata kumpleto araw ko ng wala yang mga yan at di ako nakakatulog ng di kumakain nyan haha

Ely said...

Looking For The Source, wow! ako hindi ndi kumpleto kain pag wala nun. hehe. MIL? Sana kinonsider din! LOL

Ambo, same here. Kahit busog na busog na ako,, gnagawa kung dessert.

atto aryo said...

tama ka naman a. sana nilabas mo na rin yung sagot mo para mahilo ang judges. he he

Snow said...

Bawal yang chips sa akin ngayon. Maysakit ako sa puso at bato ngayon. ^_^

Anonymous said...

ako din. hindi kumpleto ang araw ko kung walang tsokolate o chichirya. ang healthy no? :)

natuwa ako sa post. nai-imagine ko ang isang 8-year old kid na nasa stage, at pilit itinatago ang sagot. hahaha.

Ely said...

r-yo, baka kasi mapahiya ako. ayun tinago ko n lng. hahaha

snow, un din kinakatakutan ko. :( kasi may sakit din ako sa puso, in denial lng ako...

moonsparks, healthy nga! haha. sa likod kc ng ilustration board sinusulat ung sagot gamit ang chalk. ndi ko na tinaas ung board ko, tas erase ko n lng agad. LOL.

Ely said...

ei Snow, ndi talaga ma-open sa mozilla ung blog mo?