Thursday, May 29, 2008

Wala kang load?


Eto pa. Isa pang sign ng kahirapan sa Pilipinas: gagawin ang lahat para lang magkaload!



Just received this message from 09156006665 yesterday:

"hon d2 ka nalang reply or call asap mahalaga sasabihen ko sayo send ka load 100pesos last txt na e2"


First, no one's calling me "hon" and I don't address anyone that way either, so I knew right away that this is a scam. Desperate, cheap and pathetic scam.

Dati, libo libo ang nananakaw ng mga text scammers na ito. Ngayon, 100pesos na lang. Tsk tsk!

Nasira araw ko...amf!


28 comments:

Anonymous said...

nako may nagtext ka sakin ng ganyan.
naisip ko sana replyan at murahin.
langya no?

anu kaya nappala nila sa ganyan?

Ely said...

Ung iba naloloko nila, siguro meron nagsesend talaga ng load thinking na "honey" nga nila ung nagtetext.

Ambo said...

Aba me stalker ka na lagot ka ahahahaha. Daming ganyan nga. Ilang beses ko na din akong nakareceive nyan. Yung una ang sabi emergency daw. di daw sia makatawag kasi wala daw load kung pwde send muna. Nyah!

Ronnie said...

naka encountern a din ako ng ganyan. and kapag hindi ka talaga mindful magkakamali kang magforward ng load. ahaha!

Nanaybelen said...

ako rin may nareceive din.
May nagpapaload pa nga din sa akin, nasa hospital daw mama nya at akala ko naman yung kapitbahay ko, kaya muntik ko syang naloadan. Load retailer kasi ako, kaya marami akong nareceive na ganyan

Ely said...

Ambo, haha. Yang mga nanloloko sa text, dati kinakalat ko ang number sa mga chatrooms. Meron ung iba sinasabi nanalo ka sa raffle tas pinagsesend ka ng load para daw matagan ka. LOL

ronnie, actually madami naloloko sa mga ganyan, lalo na yung mga naniniwala na nanalo daw sila sa lotto, etc...

Ely said...

Nako Nay, buti hindi mo sinendan ng load. hehe. Retailer din mama ko dati pero wala naman nanloko sa kanya ng ganun, utang lang. hehe

Anonymous said...

ahahaha.. natawa naman ako sa remarks mo. oo nga ang cheap cheap. :))

Prily said...

oh, really?hehehehe!grabeh naman!!!!
anyway,Ely, hindi mo sinabi sa akin kung napaiyak ka ba ng Caregiver movie?hehehehe.

Ely said...

kingdaddyrich, hehe. badtrip kasi, siyempre magugulat ka sa una before u realize that its a hoax.

Prily, secret.... hehehe. OK lang. Medyo lang. haha

Dakilang Islander said...

pag ako tatawagan ko talaga at murahin...heheh tinawag ka na honey eh lalaki pala yun

aajao said...

bulok nga yang ganyang modus operandi. mas may alam akong magandang pambiktima ng panghingi ng load. hehehe... dami kong naloko at marami ring nagmura sa akin. haha

Felix said...

dapat kasi kino-contol ng malalaking mobile companies ang pagbebenta ng SIM card. Dapat wala na lang pre-paid. sobrang mura ng mga load,etc., pagnanakaw lang ng malalaking kompanya yan! Lahat ng Pinoy parang di mabubuhay kung walang cellfone. Dito sa America, deadma mga tao sa cellfone!

Anonymous said...

Eh kung sobra-sobra din naman mga load niyo, bakit hindi nyo i-share....hehehe

Anonymous said...

Hahaha that's "cute" text message - reminds me my sister just texted a day ago saying:

"hi cute dear bro, we miz u n. end of d mnth na, last txt ko n 2 la na me load."

I replied: "lokohin ba daw, nag send na me sa wstrn union, load ka ng P1000 tapos tumawag ka wag text".

wanderingcommuter said...

ay scam ba yun, akala ko yung honey ko talaga... hehehe.

siyempre joke lang yun. pero minsan talagang hahanga ka sa creativeness ng isang tao habang maawa ka naman sa gullibleness nila sa isang banda. hahaha.

sexymoi said...

you're right. ang cheap. me nasg send sakin ng ganyan. minura ko nga hehe... la lang napadaan lang po

Ely said...

dakilang islander, ayoko nga tawagan. magsasayang lang ako ng load. hehe

aajao, anong modus operandi yan? epektib ba? hehehe

jake, can;t afford naman kasi mga Pinoy pag walang prepaid...at may bagong proposal, free text na daw. pero siyempre ndi din matutupad yan.

Ely said...

levi elephant, sige nga share mo saken. hehe. tnx for visiting.

k, galing naman mag-text sis mo. 1000? isang oras na telebabad na un. hehe. sa cellphone...

wandering commputer, sabi ko nga. creative sa paggawa ng kalokohan. Sana ginamit na lng sa maganda creativeness nila. :P

sexymoi, ayoko na murahin, sayang lang piso ko. :) salamat sa pagdaan...

Anonymous said...

ely, na-experience ko na rin yan which was realy funny dahil they call me sweet names na indi naman ako.

i also experienced receiving Php60 load sa phone ko! o laban ka?! hahaha

Ely said...

reyna elena, haha. talaga lang! may nagload sau ng 60pesos? Kala ko ba kaw nagbibigay ng load? hehehe

Abaniko said...

Hahaha. Galing neto ah. Saan kaya naman nila nakukuha ang mga number na pagdadalhan nila ng text scam na to?

wanderingcommuter said...

eh wala daw sigurong mapapakinabangan duon kapag ginamit sa maganda...hahaha. kinampihan?!

Anonymous said...

May mangilan-ngilan nang nagtext sa akin ng ganyan. pero since hindi ko kilala yung number, hindi ko nalang pinansin. Pero one time nagtext sa akin yung pinsan ko na naghihingi ng load, deadma pa rin ako. LOL!

Abou said...

ha ha ha.

Ely said...

abaniko, i think, at random sila nagda-dial ng number. tas tsamba pag may sumagot. :P

wandering commuter, pd rin. kaya puro panloloko na lang? haha

dyosa, hahaha, basta nanghihingi ba, dedmahin?

abou, he he he!

Anonymous said...

hhhmmm, ganyan din nangyari sa friend ko pero hinack naman yahoo messenger nya tapos nagpanggap sa ibang friends na siya yun at humihingi ng load! 10 na 100 load ng globe! Buti na lang naghinala yung friend nya at tinanong mga personal questions! Ayun! Buking yung scammer!

Ely said...

joel, high tech yan ah! sa YM talaga ginawa. Bait naman mga friends niya at nagbigay talaga ng load. hehehe