• HOME
  • ABOUT ME
  • FACEBOOK
  • MY PHOTO BLOG
  • MY VIRTUAL ABODE
  • TRAVEL
  • Ba't ayoko ng mga team building?

    Team building na naman. Sa kasawiang palad, napilit nila akong sumama. Ano pa nga ba magagawa ko? Mahirap matawag na walang pakisama di ba?

    Nagulat lang ako sa nakita ko sa mga nagdaang team building na sinamahan ko. Iba kasi idea ko sa team building dati, yun ung may kung anu-anong activities, kung minsan may konting dramahan, may katahimikan, ung mag-iisip pa konti, parang counselling. In short, boring.

    Ngayun, gather lang kayo sa isang lugar, maingay, may alak, mag-iinoman, lalamon, magkakalasingan, may extra curricular activities minsan, tas wasted kinabukasan; team building na yun.

    Ayoko sila pareho. Mas napapagod at na-iistress lang ako.

    Hindi ko kailangan ng team building para maging team player.

    Sayang ang pera at oras. Yung pang-gastos, sana pinadala ko na lang para pambili ng gamot ng nanay ko. Sana pahinga ko na lang yung free time ko, matulog maghapon, para fresh sa work kinabukasan. Have fun? Madali lang yan, andyan naman mga tunay kung kaibigan na pwede ko yayain anytime, at walang plastikan, just plain fun.

    Basta ayoko lang talaga ng team building!

    Baguio Centennial

    Image Hosted by ImageShack.us



    Baguio is celebrating it's100th anniversary this year.

    I love this place. My home for over 8 years. The people, the weather, the food... just few of the things that I love about Baguio.




    I miss walking along Session Road. Look at Session Road 59 years ago.


    I have just started collecting "before" photos of Baguio. I'll be posting them all once my camera is done taking the "afters".

    Happy Centennial Celebration to Baguio!

    Pag nagresign ako, san ako pupunta?

    I've been wanting to resign since my first day at work. Kung meron man pumipigil saken, yun ay kung saan ako pupulot ng ipapalamon ko sa sarili ko pag wala na akong trabaho. Sometimes, I want to consider myself lucky especially pag nakikita ko ang ilang kilometrong pila sa mga job fairs. Araw-araw paglabas ko ng opis, pila pila din sa lobby ang mga bago naming aplikante, most I believe, are more than willing to take my place anytime!

    Gusto ko na magresign. Pero kung magreresign ako, san naman ako pupunta? Magtatanim ng kamote at mag-aararo kasama ng mga kalabaw sa bukid? Mumundok kaya? Amf!

    HTML what?

    I can't believe I actually have the patience for it!


    Like as if my work isn't enough to keep me busy, I found myself shuffling signs, symbols, letters, numbers, characters, HTML.

    See? I've been using my good ol' Blogger template for over two years now. As much as I wanted to modify my blog layout earlier, I just don't have the patience needed to do so, not to mention uninterested to learn how. Obviously, reading dummy guides and tutorials has never gotten in my to-do list.

    Alas! Out of no where, I started digging thru the world wide web for nice templates the other day. I set aside my "today" files and put some of them to "later", and the rest "tommorow". Figuring out how to make all these codes work has become my main concern. Enough with the stressful work related reading, typing, calling, emailing!

    My battle with HTML is sorrowful! I ignored every how-to guides there is. I followed my own trial and error procedure. Hence, it took me hours to finish.

    Actually, it's still unfinished. Perhaps, when (short) free time peeks once again?

    Chichirya

    "Ano ang tawag sa mga pagkaing walang sustansya?"

    Yan ang di ko malilimutang tanong sa quiz bee na sinalihan ko nung ako'y nasa Grade 2. Nutrition month. Uso ang pakontest sa mga school. Akin na ang poster-slogan pero sa quiz bee, tanggap ko, medyo napapahiya ako.

    Naalala ko lang kasi hanggang ngayon mahilig pa rin ako sa chichirya. Kasama ako sa henerasyon na laking Pewee, Cheese it, at Snacku! LOL

    Pero balik tayo sa question, and sagot daw sabi ng titser junk food. Nasagot nung dalawa sa apat kong kasama ko. Tinago ko ung illustration board ko kasi nahiya ako sa sinulat ko.






    "Chichirya!"

    Pag-uwi, piningot ako ni mama sa tenga.

    Cory Aquino; from a Marcos loyalist point of view.

    Una sa lahat, nakikiisa po ako sa buong Pilipinas na nagluluksa sa pagpanaw ng ating dating Pangulong Cory Aquino.

    I was literally raised a Marcos loyalist. Ipinanganak ako at nagkaisip nuong kasagsagan ng martial law. Namulat ako sa paniniwalang si Marcos ang siyang bayani. Lahat ng nakikita at naririnig ko nuong mga panahong iyon ay puro papuri kay Marcos, at pagbabatikos naman sa oposisyon. I was one of those who hated the color yellow and any personality who's associated with it.

    Masisisi nyo ba ako?

    Matindi at mainit ang usaping pulitika noong panahong iyon. Sa aking murang isipan, tumatak sa utak ko ang lahat ng naririnig ko sa mga umpukan at lalo na sa isinisigaw ng broadcaster mula sa aming lumang transistor radio. Si Marcos daw ay pilit pinapatalsik, kinukutya at inaapi kasama ng kanyang buong pamilya. Lumabas ang ibat-ibang pangalan, mga dating kaalyadong tumalikod at naging traidor, at ang babaeng naging dahilan ng kanyang tuluyang pagkakaalis sa pwesto.

    Nagluksa at bumuhus ang luha sa buong Ilokandia noon sa balitang pumanaw na si Marcos. Nakita ko ang kalungkutan hindi lang sa mga magulang ko, sa mga kapitbahay, buong bayan. Kami ang inapi!

    Perhaps, I was too young to understand.

    Years have passed and I remained a believer of Marcos' legacy. On the other hand, I never really paid attention to the other side of the story. Sa isip ko, kami pa rin ang inapi.

    I've seen photos of the EDSA revolution. Watched the videos, read the stories. But I never really learned to respect the brave woman who was behind all these. I failed to educate myself.

    Up until her death.

    Nuong unang nilunsad ng Reyna na sinundan nang buong Barrio at nang buong Pilipinas ang "tie a yellow ribbon for Cory Aquino, napaisip ako. Ninetynine percent of the time, suportado ko ang mga krusada sa baryo pero ngayon bilang isang loyalista ni Marcos, ayokong magbalatkayo. Walang yellow ribbon sa blog ko.

    Hindi ko alam kung tama ba o mali, kung huli na ba ang lahat na magawa kung respetuhin si Pangulong Cory Aquino ngayon na wala na siya. Ang kanyang pagkamatay ang nagmulat saken sa katotohanan, sa sinasabing tunay na diwa ng demokrasia. Ang kanyang pagkamatay ang dahilan upang kilalanin ko ang kanyang katapangan, mga nagawa at naging kontribusiyon sa ating bayan. Mali ba na maisip ko lang ang mga ito ngayong pumanaw na siya?

    Kung nakikita ko ngayon ang kanyang mukha sa dyaryo, sa TV, sa internet, parang bulang naglaho ang galit ko na namuo simula sa aking pagkabata. Ang nakikita ko ngayon ay isang babae, asawa, at ina, na nagsakripisyo hindi lamang sa kanyang pamilya kundi sa buong bansa.

    I will remain a Marcos loyalist, but this I have to say; Tita Cory's death made me realize how I got blinded by false stories instilled in me before. I shall forever look up to her as a very courageous woman, a fighter for freedom, a leader, and most importantly, a religious, prayerful and loving mother.

    Maraming salamat po, Pangulong Cory...

    A question of faith

    Why do other people have to suffer for the rest of us to realize that we are blessed? If we are in distress, why should we feel better that others are in a more difficult situation than we are?

    Isn't that unfair?